Bakunado na halos lahat ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay AFP Surgeon General Col. Fatima Claire Navarro, fully-vaccinated na kontra COVID-19 ang 73% ng 140,000 members ng sandatahang lakas.
Dahil sa pagdating ng mga bakuna, inaaasahang mababakunahan na ang 93% hanggang 96% ngayong oktubre o sa susunod na buwan.
Target din ng AFP na maabot ang 100% vaccination status sa disyembre ngayong taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero