Inihayag ng isang infectious disease expert na ang patuloy na pagsunod sa COVID-19 health protocols ay makatutulong upang maiwasan ang sakit na Monkeypox.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, ang pagsusuot ng face masks at pagtalima sa iba pang health protocols, gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay ay mainam upang mapigilan ang hawaan ng nasabing virus.
Sinabi pa ng eksperto na sa ngayon ay wala pang indikasyon na kailangan na ang malawakang pagbabakuna laban sa Monkeypox Virus dahil maaari lamang itong maipasa kung mayroon nang mga sintomas.
Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang kaso ng Monkeypox sa Pilipinas.