Pinagsusuot pa rin ng facemask ang mga nagsisimba o mga dumadalo sa simbang gabi.
Ito’y dahil inaasahan ng mga simbahan, partikular na ang Manila Cathedral at Quiapo Church ang pagdagsa ng mas maraming tao ngayon kumpara noong nakaraang taon.
Magugunitang 70% lamang ng mga tao ang pinayagan sa loob ng mga simbahan sa nakaraang simbang gabi noong isang taon.
Samantala, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na security measures sa iba’t ibang simbahan sa bansa.
Nasa 4,000 pulis naman ang ipinakalat sa Metro Manila, partikular upang matiyak ang seguridad at kaayusan habang idinaraos ang simbang gabi.