Magpapatupad ng mas istriktong Coronavirus disease (COVID-19) health protocols ang Ormoc City, Leyte sa mga nagnanais pumasok sa lungsod matapos makapagtala ng 28 aktibong kaso ng COVID-19, mas matass kung ikukumpara noong lockdown.
Tinutukoy na dahilan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang maluwag na requirements sa pagpapapasok ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) kung kaya’t biglaan ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Bunsod nito, muling magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Ormoc ng mas mahigpit na pagpapasok sa lungsod gaya ng pagpresenta ng health certificate, dokumentong nagpapakita ng negatibong resulta ng COVID-19 swab or rapid test.
Sasailalim na rin muli ang lahat ng papasok sa Lungsod ng Ormoc sa 14 days quarantine sa mga hotels na accredited ng mga otoridad.
Matatandaang COVID-19 free ang bayan ng Ormoc nitong mga nagdaang buwan dahil sa maaga at istrikto nitong implementasyon ng lockdown.—sa panulat ni Agustina Nolasco