Okupado na ang lahat ng mga COVID-19 hospital beds sa lungsod ng Makati.
Ito ang sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay makaraang sumirit ang kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.
Paliwanag ni binay para mapataas muli ang bilang ng mga COVID-19 hospital beds sa lungsod, ay kinakailangan na magkaroon ng mga karagdagang doktor at nurses.