Ang Autumn ay isa sa mga partners ng kagawaran gaya ng Fassster na gumagawa ng projections at modelling para sa gobyerno ngayong may pandemya.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung papasok ang mas nakahahawang subvariants at marami ang susuway sa health protocols at kaunti ang nagpapa-booster, posibleng umabot sa mahigit 4,800 ang ma-oospital.
Ang nasabi anyang projection ay maaaring maganap sa Agosto ngayong taon, na mas mataas kaysa noong kasagsagan ng Delta variant.
Gayunman, hindi binanggit ng DOH kung ang 4,800 ay “daily” o “monthly” figures.
Nilinaw naman ni Vergeire na projection lamang ito at walang katiyakan kung mangyayari talaga.