Tiniyak ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force against COVID-19 na nananatiling kontrolado ang kaso ng COVID-19 sa mga itinuturing na hotspots.
Dahil dito wala aniya siyang nakikitang pangangailangan para muling bawasan ng gobyerno ang mga aktibidad na nakakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Giit ni Galvez, patuloy ang kanilang pagmo-monitor at ang pagtataas aniyang ito ng mga kaso sa ilang lugar ay agad naayos kung saan ang active cases naman umano ay pababa.
Magugunitang nauna nang tinukoy na COVID-19 hotspots ang Davao Region, Region 4A at ibang bahagi ng Metro Manila at Quezon Province.