Nakakabahala ang pag-aaral ng mahigit 200 scientists mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na nagsasabing airborne ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y ayon kay Dr. Anthony Leachon, isang public health expert ay kaya’t hindi dapat balewalain ang bangis na dulot ng nasabing virus.
Sinabi ni Lechon na ang mga naturang scientist ay sumulat sa World Health Organization (WHO) para igiit ang pag-update nito ng mga guidelines sa COVID-19 pandemic dahil sa pagiging airborne ng nasabing sakit.
Nangangahulugan ito aniyang kahit sa indoor ay kailangang magsuot ng mask at doblehin pa ito kung nasa public mass transportation.
Nananawagan si Leachon sa local government units (LGU) para puspusan pang makapamahagi ng face mask at alcohol sa kani-kanilang mga residente.