Ganap nang idineklara ng world Health Organization (WHO) bilang pandemic ang outbreak ng bagong coronavirus.
Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, labis nilang ipinag-aalala ang nakakaalarmang taas ng na pagkalat at tindi ng naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-2019).
Gayundin anito ang nakakaalarmang kawalan ng pagkilos o pagtugon laban sa virus.
Sinabi ni ghebreyesus, tumaas ng 13 beses ang dami ng mga kaso ng COVID-2019 sa labas ng China kung saan ito nagmula sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa kabila naman ng deklarasyon bilang pandemic sa COVID-2019, iginiit ni Ghebreyesus na hindi pa rin nagbabago ang kanilang panawagan at abiso sa mga bansa kaugnay ng mga kailangang gawin na hakbang.
Dagdag ni Ghebreyesus, dapat na mas maging agaran at agresibo ang aksyon ng mga bansa laban sa COVID-2019.
Binigyang diin ni Ghebreyesus, doable o posible ang sama-samang pagsugpo sa COVID-2019 para maprotektahan ang lahat ng tao sa buong mundo.