Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang COVID-19 ang ikatlo sa nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas noong 2021.
Ang ischemic heart diseases ang leading cause of death sa bansa habang pangalawa naman ang cerebrovascular diseases.
Ayon sa PSA, 74,008 o 9.7% ng kabuuang bilang ng mga pumanaw na naitala mula Enero hanggang Disyembre ay dahil sa COVID-19.
Nangunguna ang CALABARZON sa may pinakamaraming naitalang bilang ng COVID-19 deaths na may 21,165, sinundan ng National Capital Region na may 20,924 at Central Luzon na may 18,828.
Batay pa sa datos ng PSA, ang ischaemic heart disease ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa sa nakalipas na taon na may 136,575, na mas mataas ng 29.7% kumpara sa 105,281 na pagkamatay sa nasabing sakit noong 2020.