Umakyat na sa 13,960 ang COVID-19 cases sa ibayong dagat, kasunod ng naitalang 22 bagong kaso ng impeksyon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umabot naman sa 8,919 at 950 ang total recoveries and fatalities sa ibang bansa, habang wala namang naitalang bagong kaso.
Nasa 4,091 naman ang bilang ng mga pasyente na tuloy-tuloy ngayon na nagpapagaling sa mga ospital sa abroad.
Base sa ipinakitang datus ng DFA, pumalo na sa 2,770 ang virus cases sa Asia and the Pacific Region na mayroong 775 patients na patuloy na nagpapagaling, 1,974 na nakarekober at 21 ang nasawi.