Ano ba ang Lambda variant ng COVID-19 at paano ito naiiba sa ibang variant ng nasabing sakit?
Ang Lambda variant o C.37 ay unang nakita sa bansang Peru noong Disyembre 2020 at kinilala ng World Health Organization bilang variant of interest kumpara sa Delta, Alpha, Beta at Gamma variant na mga variant of concern na kayang makahawa sa populasyon.
Ayon sa Health Department, mabilis itong makahawa at halos magkatulad sila ng delta variant.
Pero paglilinaw ng DOH, ang bakuna kontra COVID-19 ay mabisa pa rin para labanan ito dahil wala pa umanong ebidensya na resistant ito sa nasabing bakuna.-–sa panulat ni Rex Espiritu