Tiwala ang Malacañang na maliit lamang ang magiging epekto ng banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa remittance o ipinapadalang pera ng mga Oversease Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, posibleng bumaba ng 0.8% ang kabuuang cash remittance growth ngayong taon dahil sa COVID-19 outbreak.
Dahil dito, ibinaba nila sa 2.2% mula sa 3% ang kanilang projection o pagtaya sa paglago ng cash remittance ng mga OFWs ngayong taon.
Sa kabila naman nito, kumpiyansa pa rin si Nograles na makapagtatala muli ng bagong record-high sa OFW remittance ngayong 2020.
Magugunitang noong nakaraang taon, pumalo sa 33.5-bilyong dolyar ang remittance ng mga OFWs na siyang naitalang pinakamataas.