Inirekomenda ng British Pharmaceutical Company na Astrazeneca na i-idonate na lamang ng private sector ang 50% ng bakuna sa gobyerno.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., hindi aniya ang national government ang nag-demand ng 50% dahil mismong Astrazeneca ang nagsabi nito.
Dagdag pa ni Galvez , isa sa prinsipyo ng AstraZeneca ay kailangan pantay-pantay at walang maiiwan sa pag-access ng bakuna.
Bukod dito, sinabi rin ni Galvez na walang probisyon rito ang supply agreement ng Moderna, Novavax at Sinovac.
Samantala, sa tulong ng ilang pribadong kumpanya at mga lokal na opisyal, makakakuha ang Pilipinas ng mahigit labimpitong milyong doses ng Astrazeneca vaccine.— sa panulat ni Rashid Locsin