Ikinakasa na ng Inter Agency Task Force (IAFT) ang protocol para sa planong mass testing sa COVID-19 sa kalagitnaan ng Abril.
Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi lahat ng tao sa bansa ay isasailalim sa COVID-19 testing.
Magkakaruon anya ito ng protocol kung saan uunahin ang mga mamamayan na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.
Ang mga magpopositibo anya na may mild symptoms ay ididiretso sa quarantine facility samantalang sa ospital ang mga magpapakita ng malalang sintomas.