Sisimulan na ngayong araw ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) mass testing sa lungsod ng Parañaque.
Sa pahayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, magkakaroon aniya ng tatlong testing sites sa lungsod makaraang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng mga rapid test kits na mga ibinigay sa lungsod bilang donasyon.
Dagdag pa ng alkalde, magbubukas pa ng mga karagdagang isolation facilities ang lungsod bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng kaso ng COVID-19.
Kabilang na nga rito ang isang pasilidad sa ospital ng Parañaque na bubuksan ngayong araw at apat pang pasilidad sa iba’t-ibang mga pampublikong paaralan na bubuksan naman sa paparating na linggo.
Samantala, nagpasalamat din ang alkalde sa aniya’y welcome development sa laban ng lungsod kontra COVID-19.