Inilunsad na ng DOH ang COVID-19 mobile phone survey upang maunawaan kung paano pinapanatiling malusog ng mga Pilipino ang kanilang katawan sa buong panahon ng pandemya.
Layunin ng survey na mangalap ng datos hinggil sa pagkakalantad sa COVID-19, karamdaman, testing at diagnosis, hadlang sa pagsusuri, mitigation practices at non-communicable risk factor.
Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na magiging confidential at anonymous ang mga tugon alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Hinimok din ni Duque ang publiko na makibahagi sa survey upang matulungan ang kagawaran sa pagbuo ng evidence-driven strategies kaakibat ng kanilang healthy Pilipinas campaign. —sa panulat ni Drew Nacino