Pinaniniwalang nabubuhay ng aabot sa 28 araw ang COVID-19 sa mga pera.
Ito’y ayon sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa Commonwealth Scientific And Industrial Research Organization (CSIRO) na nakabase sa Australia.
Kung kaya’t payo nila, mas dapat nating paigtingin at kaugaliang maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol para makaiwas sa banta ng COVID-19 at iba pang mga sakit.
Bukod pa anila sa pera, ay lumabas din sa kanilang pag-aaral na pupwedeng manatili ang virus sa ibabaw ng mga salamin ng mga cellphones.
Kung payo ng mga mananaliksik mula sa CSIRO, matapos na humawak ng pera at ilan pang mga madalas na ginagamit gaya ng mga cellphones, ay makabubuting maghugas ng kamay at mag-alcohol para makaiwas sa banta ng nakamamatay na virus.