Nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ito ang naging tugon ng palasyo makaraang batikusin ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng PDP-Laban.
Sa nasabing pulong, hinimok ng partido si Pangulong Duterte na tumakbo bilang presidente sa susunod na eleksyon.
Sinabi ni Roque na hindi nagbabago ang prayoridad ng pangulo sa pagtugon sa pandemya sa bansa.
Giit pa ni Roque, kahit walang COVID-19 ay hindi maiiwasan ng mga political party na maghanda sa pulitika lalo na’t malapit na ang susunod na halalan.
Aniya, mananatiling may interes si Pangulong Duterte sa pulitika dahil ito ang chairman ng naturang partido.