Posibleng lumala pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang ibinabala ng World Health Organization (WHO) ngayong halos umabot na sa 13-milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ayon sa WHO, malaki ang tyansa na lumala pa ang sitwasyon ng pandemya kung patuloy ang maraming bansa sa pagtahak sa maling direksyon sa pagtugon ng sa COVID-19.
Anila, maraming bansa ang hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na basic healthcare precautions para maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.
Marami na umanong sektor ang lubos na naapektuhan ng pandemya at nanganganib na lumawak pa ang epekto nito kung hindi ito matutugunan ng wasto.