Posible pang tumagal ng isang dekada ang pandemya ng COVID-19 sa buong mundo.
Ito ang babala ng World Health Organization (WHO) sa kabila ng unti-unting pagbuo ng iba’t ibang bansa ng bakuna para labanan ito.
Ayon sa WHO, dahil sa dami ng naitatalang transmission ng virus at tumataas na kaso ng COVID-19, mahihirapan ang lahat bago maka-rekober ang mga bansa rito.
Batay sa datos, umakyat na sa mahigit 680,000 na ang nasawi sa buong mundo dahil sa virus na nagsimula nuong Disyembre ng nakalipas na taon sa Wuhan, China.