Posibleng naging malaking factor sa pagbaba ng satisfaction rating ng Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 pandemic response ng national government.
Ayon ito kay Vice President Leni Robredo matapos lumabas sa SWS Survey na naging 75 percent nuong May at June 2021 mula 84 percent nuong November 2020 ang satisfaction rating ng pangulo.
Binigyang diin ni Robredo na karapatan ng mga pilipino ang mag demand ng malaki mula sa gobyerno dahil taumbayan ang nagbabayad ng buwis.