Hindi na ituturing na “Emergency” ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic.
Ayon ito sa Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bagamat mananatili ang idineklarang State of Calamity sa buong bansa dahil pinaplantsa pa ang ilang usaping may kinalaman sa pandemya.
Binigyang diin ng pangulo na kailangan nang kumawala ng bansa sa emergency situation para makapagbukas na rin ang lahat ng mga negosyo at tuluy tuloy na ang pagpasok ng mga turista.
Inihayag pa ng pangulo na batid na ng DOH ang pagtukoy sa mga itinuturing na vulnerable sa COVID-19 kumpara nuong bago pa lamang ang pandemya na tila nangangapa ang buong mundo. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)