Nagpositibo sa South African variant ng coronavirus ang isang COVID-19 patient na nasawi mula sa Davao Oriental.
Ito ayon sa Provincial Epidemiologic Surveillance Unit ay matapos isalang sa test ang swab specimen na kinuha mula sa nasabing 63 taong gulang na lalaki mula sa Mati City.
Ang naturang pasyente na na-confine sa Davao Regional Medical Center nuong Mayo 9 ay nasawi dahil sa respiratory failure secondary to acute distress syndrome secondary to COVID-19 pneumonia at nagtataglay din ito ng hypertension at diabetes.
Kasabay nito patuloy ang paalala ng Provincial Task Force COVID-19 sa mga taga-Davao Oriental na mahigpit pa ring sumunod sa standard health protocols at quarantine guidelines para hindi na kumalat ang virus.