Susunduin na sa kani-kanilang tahanan ang mga positibo sa COVID-19 na walang kakayahang mag home quarantine.
Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon, sa ilalim ito ng inilunsad nilang Oplan Kalinga, katulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang local government units.
Sinimulan anya nila ito sa Navotas kung saan 50 COVID-19 positive ang sinundo nila at dinala sa World Trade Center, PICC at p=Philippine Arena Mega Quarantine.
Ipinaliwanag ni Dizon na tatlong kategorya ang dapat masunod para payagan nila ang home quarantine.
Dapat ay may sariling kwarto ang pasyente, may sariling banyo, at walang kasamang vulnerable sa COVID-19 tulad ng matanda , buntis at may sakit.
Alinman anya sa mga ito ang hindi masunod ay kailangang mag quarantine na sa mga inilaang pasilidad ng pamahalaan.
Dalhin natin sila saating mga quarantine facilities para maalagaan silang mabuti, pagalingin natin sila, libreng pagkain, gamot, at may wifi pa sa kani-kanilang pasilidad. More importantly, pinipigilan natin ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad,” ani BCDA president Vince Dizon na siya ring testing czar sa COVID response ng pamahalaan.