Dumarami ang mga COVID-19 patients na isinusugod sa mga ospital sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga dinadapuan ng impeksiyon sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, kabilang sa mga lungsod na nakakaranas ng high utilization ng mga isolation beds, ward beds, at intensive care units (ICUs) ay ang Makati, Quezon, Taguig at Maynila.
Sinabi ni Vega na isa sa mga nakikita nilang posibleng dahilan nito ay ang pagtanggap ng mga ospital ng mga pasyente na nakakaranas lamang ng mild symptoms ng COVID-19.