Nananatiling puno sa COVID-19 patients ang Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan De Oro.
Gayunman sinabi ni Dr. Jose Chan, administrator ng nasabing ospital na inaasahan nilang bababa na rin ang kaso ng admission nila ng COVID-19 bagamat umaagapay pa sila sa pagsirit ng kaso ng virus sa nakalipas na dalawang linggo.
Kasabay nito ipinabatid ni Chan ang kahandaang mag deploy ng ventilators sa iba pang medical facilities.
Ang Cagayan De Oro City ayon sa city health department nakapagtala na ng 10, 210 cases ng COVID-19 kung saan hanggang kahapon ay nasa 696 ang active infections at 148 ang nasawi.