Nababawasan na ang mga COVID-19 patient na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH).
Batay sa tala ng PGH, nasa 212 na lamang ang kanilang COVID-19 patients sa ospital.
Ayon sa PGH management, bumaba ang coronavirus reproduction rate sa NCR plus dahil sa pinaiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
Dagdag pa ng PGH, bumaba na rin ang bilang ng healthcare workers nila na nagpositibo sa COVID-19.
— sa panulat ni John Jude Alabado