Posibleng maramdaman ang peak ng COVID-19 cases anumang araw mula ngayon hanggang sa ikatlong linggo ng buwan.
Ito ang inihayag ni San Lazaro Hospital – Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit Head, Dr. Rontgene Solante, miyembro ng DOST – Vaccine Expert Panel.
Ayon kay Solante, sakaling umabot sa 40K hanggang 50K ang single daily cases sa isang araw ay maaaring bumulusok naman ang mga kaso sa mga susunod na linggo.