Tinatayang 8 Pilipino ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) umakyat na sa 11,186 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 81 bansa at rehiyon.
3,127 rito ang patuloy na ginagamot sa mga ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawing Pinoy dahil sa COVID-19.
Dahil dito nananatili pa rin sa 815 ang COVID-19 related deaths sa mga Pilipino abroad.
Samantala, sa Middle East naman naitala ang pinaka maraming Pilipinong tinamaan ng COVID-19 at sinundan naman ito ng Europa.