Bumaba pa ang 7 days COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa 17.9 % mula sa 19.1 %.
Ayon kay OCTA Esearch Group Fellow Dr. Guido David, ang 19.1 % na naitala noong Oktubre 1 ay bumagsak sa 17.9 percent na positivity rate nitong Oktubre 8.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa COVID testing.
Maliban dito, bumaba rin ng bahagya ang reproduction number sa Metro Manila na mula sa 1.10 noong september 29 sa 0.99 nitong October 6.
Tumutukoy naman ito sa bilang ng mga taong nahahawaan ng naturang virus.