Binigyang diin ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ang nananatiling tamang panukat pa rin ng aktwal na sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Ginawa ni David ang pahayag makaraang sabihin ni Department of Health Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman na hindi tamang panukat ng aktwal na sitwasyon ng COVID-19 ang positivity rate.
Giit pa ni David na hindi rin aniya maaaring gawing basehan ang iniuulat ng doh na arawang kaso dahil hindi naman lahat ay nagpapatest.
Sinabi pa nito na mahalaga ang positivity rate para makita kung pababa o pataas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.