Tumaas ang COVID-19 positivity rate ng tatlong lalawigan sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, mula sa 35.1% na positivity rate ng Isabela ay umakyat ito sa 62.6%.
Nakapagtala naman ang Oriental Mindoro ng 38.5% mula sa dating 16.3% habang sumirit naman sa 25.3% ang positivity rate ng palawan mula Enero a-siyete hanggang a-diyes.
Paliwanag ni David na magkakaiba ang wave ng infection sa bansa at may iba’t ibang lebel ng immunity ang mga lalawigan.
Maliban dito, hindi rin aniya pare-pareho ang mga tumatamang Omicron subvariants sa mga probinsya.
Sa kabila nito, sinabi naman ni David na bumaba ang positivity rate ng karamihan sa mga lugar sa bansa, kung saan nakapagtala ang metro manila ng 5% na COVID-19 positivity rate nitong January 10 mula sa 7.9% noong January 3.