Tumaas sa 14.5% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Mas mataas ito sa 5% na threshold ng World Health Organization (WHO).
Ayon sa OCTA Research Group, mula 12.7% noong September 7, lumobo ang positivity rate ng rehiyon sa 14.5% nitong September 14.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Guido David na posibleng tumaas pa ang positivity rate sa NCR.
Samantala, sumirit din ang one-week growth rate ng COVID-19 infections sa Metro Manila sa 18% mula sa -4% sa nakalipas na linggo.
Bahagya ring tumaas ang reproduction number ng rehiyon sa 1.14 noong September 12 mula 10.3 noong Septemper 5.
Nananatili naman sa moderate risk ang NCR na may average daily attack rate na 6.12 sa kada 100,000 population.
Sinabi pa ng OCTA na tumaas din ang healthcare utilization ng Metro Manila sa 39%, gayundin ang ICU occupancy sa 33%.