Bumaba pa sa tatlo punto walong porsyento ang COVID-19 positivity rate sa bansa.
Batay sa huling tala, ito ang pinakamababang positivity rate simula noong huling linggo ng Disyembre 2021.
Maliban dito, sinabi rin ng OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David na posibleng bumababa pa sa 500 ang arawang maitatalang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng buwan.
Matatandaang, apat na sunod na araw nang mababa sa isang libo ang COVID-19 cases matapos maitala ang 941 bagong tinamaan ng nasabing sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 3,666,678 ang kabuuang bilang ng kaso kung saan 49,374 ang nanatiling aktibo. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles