Tumaas pa ang COVID-19 positivity rate sa ilang lugar sa bansa, partikular sa lalawigan ng Aklan at National Capital Region (NCR).
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, umakyat sa 35% ang one-week positivity rate ng aklan mula sa 26.9% na naitala noong July 9.
Maliban sa Aklan, naitala rin ang ”very high” positivity rate sa Tarlac na may 27.6%; Pampanga, 23.1%; Laguna, 22.6%; at Nueva Ecija na may 21%.
Samantala, tumaas rin ang positivity rate ng NCR sa 12.6% mula sa 10.9% noong July 9.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), ang NCR ang may pinakamaraming COVID-19 infections sa nakalipas na dalawang linggo na mayroong 9,713 cases.