Nakitaan ng pagbaba sa COVID-19 positivity rate ang Metro Manila gayundin ang halos lahat ng lalawigan sa Luzon.
Ayon kay OCTA fellow Guido David, bumulusok ang positivity rate ng National Capital Region sa 12.9% nitong August 27 kumpara sa 14.6% noong August 20.
Bumaba rin aniya ang positivity rate ng Bataan sa 8.8%, na tanging probinsya na may positivity rate na mas mababa sa 10%.
Sinabi pa ni David na bumaba rin ang positivity rate ng Albay, Cagayan, Camarines Sur, Isabela, La Union, Nueva Ecija at Tarlac, ngunit nananatiling nasa ”very high” category ang mga ito.
Una nang sinabi ni David noong linggo na bumulusok sa 15% ang weekly average ng COVID infections sa buong bansa, gayundin ang national positivity rate.