Pumalo na sa 13% ang lingguhang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Batay sa ulat ng DOH, karamihan sa mga lugar sa NCR ay nakapagtala ng matinding pagtaas sa kaso ng sakit na ngayon ay aabot na sa 750 cases kada araw.
Sa kabila nito, nilinaw ng ahensya na nananatiling nasa low-risk classification ang rehiyon.
Kasalukuyang nasa 30.70% ang bed utilization rate sa NCR habang 22.16% ang ICU utilization rate.
Samantala, nasa 5% na ang positivity rate sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Northern Mindanao.
Samantala, nananatili ring low-risk ang buong bansa.