Bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, bumilis sa 7.6% ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa rehiyon.
Mula ito sa 7.5% na naitala noong November 12.
Ang mga lugar na nakapagtala ng “very high COVID-19 positivity rate’ ay ang; Camarines Sur, Isabela, La Union, Tarlac, Aklan, Benguet, at Misamis Oriental.
Ang National Capital Region pa rin ang nangunguna sa mga rehiyong may pinakamaraming kaso ng COVID-19 noong November 20 na nakapagtala ng 255.