Bahagyang tumaas ang seven-day positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Batay sa datos ng OCTA Research Group, sinabi ni Dr. Guido David na ito ay tumaas sa 19% noong October 3 mula sa 18.7% noong September 26.
Pero mas mababa ito ng kaunti kumpara sa 19.1% positivity rate na naitala noong October 2.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga nagpa-test.