Bumaba pa sa 4% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 5% noong Pebrero 21, 2022.
Sa kabila nito, ayon sa OCTA Research, nananatiling nasa low risk classification ng COVID-19 ang nasabing rehiyon.
Naitala naman ang 2.30 daily average attack rate sa NCR habang nasa 25% ang healthcare utilization rate at 27 ang intensive care unit (ICU) utilization rate.
Maliban sa NCR, nasa low risk classification ang Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, Zambales.
Samantala, kapwa naman nasa very low risk classification ng COVID-19 ang mga probinsya ng Aurora at Quezon. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles