Inanunsiyo ng OCTA Research na bumaba sa 16.1% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, ang rate na naitala ay 17.3%, kung saan mapapansin na pababa ang trend, subalit nangangamba si OCTA Fellow Dr. Guido David na ang risk sa rehiyon ay moderate pa rin, at iginiit na “the wave is not yet over.”
Bukod sa positivity rate, sinabi rin ni David na ang one-week growth rate ng mga kaso sa Metro Manila ay bumaba sa -7%.
Samantala, bumaba rin ang reproduction number sa 1.13 hanggang nitong Agosto a-12, mula sa 1.19 noong Agosto a-5.