Inihayag ng OCTA Research Group na bumaba sa 12.1% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) hanggang nitong Setyembre a-tres.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mas mababa ito ng 0.8% kumpara sa 12.9% positivity rate na naitala hanggang Agosto a-27.
Bukod sa NCR ay bumaba rin ang positivity rates sa Bataan, Batangas at Pangasinan sa 10%.
Habang tumaas naman ang positivity rate sa Albay, Camarines Sur, Nueva Ecija at Tarlac.