Bumaba na ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng patuloy na pagbulusok ng kaso sa bansa.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, nasa 5% na lamang ang positivity rate sa NCR, na pinaka-mababa simula Hulyo 14, 2021.
Ipinaliwanag ni David na ang nasabing bilang ang ideal na pamantayan ng World Health Organization.
Umaasa anya sila na bababa pa sa 4% ang positivity rate sa susunod na buwan o sa unang linggo ng Nobyembre.
Samantala, nananatili sa “moderate” level ang average daily attack rate o incidence rate sa NCR na pumapalo sa 6.75 kaso kada araw sa kada 100,000 populasyon. —sa panulat ni Drew Nacino