Bumaba pa ang naitalang 7-day COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, nakapagtala ang rehiyon ng 17.3% na positivity rate noong October 10, na mas mababa sa nakalipas na linggo na 19%.
Bumulusok din ang reproduction number ng rehiyon sa 0.93, mula sa 0.99 noong October 6.
Sinabi ng OCTA Research na ang ideal reproduction number ay mas mababa sa 1.
Nakapagtala naman ang NCR ng -16% na one-week growth rate habang nasa 37% naman ang healthcare utilization para sa COVID-19 patients.
Umaasa naman si David na magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19.