Bumaba pa sa 10% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong October 29.
Batay sa datos ng OCTA research group, nagmula ang datos sa 12.3% COVID-19 positivity rate na naitala noong October 22.
Ang iba pang lugar na nakitaan ng pagbaba sa COVID-19 positivity rate ay ang Aklan, Bataan, Batangas, Bulacan, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Davao Del Sur, La Union, Laguna, Pampanga, Pangasinan, Rizal, South Cotabato, Tarlac, at Zambales.
Ang mga lugar naman na tumaas ang COVID-19 positivity rate mula October 22 hanggang 29 ay ang Benguet, Cebu, Iloilo, Isabela, Misamis Oriental at Negros Occidental.
Ang Tarlac ang may pinakamataas na COVID-19 positivity rate na may 36.8%.