Sumadsad pa sa 3% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, pasok sa 5% positivity rate benchmark ng World Health Organization (WHO) ang nabanggit na datos ng NCR.
Naitala rin ang 2.58 average daily atack rate (ADAR) at reproduction number na 0.37 sa Metro Manila.
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng indibidwal na nahawaan ng isang kaso. —sa panulat ni Airiam Sancho