Bumaba pa sa 7.8 % ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, naitala ito nitong ika-7 ng Nobyembre, mas mababa kumpara sa 9.5 % noong October 31.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, mula sa bilang ng mga sumailalim sa testing.
Samantala, pumalo rin sa 1.54 kada 100,000 populasyon ang average daily attack rate sa metro manila, na may one-week growth rate na -29% at reproduction number na 0.75.