Sumirit sa mahigit 11% ang pitong araw na COVID 19 positivity rate sa NCR o National Capital Region.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, mula 7.5% noong November 19 ay naging 11.1% ang positivity rate nitong araw ng Sabado, November 26.
Bukod dito, sinabi ni David na tumaas din ang positivity rate maging sa iba pang lugar sa Luzon tulad ng Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union at Pangasinan.
Kabilang naman sa mga lugar sa Luzon na bumaba ang positivity rate sa parehong panahon ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac at Zambales.
Una nang inihayag ng OCTA na ang Omicron BQ.1 ay posibleng makapagpataas ng kaso at positivity rate ng COVID 19.