Muling tumaas ang naitalang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Batay sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, umabot sa 14.5% ang positivity rate sa Metro Manila na mas mataas sa 13.2% na naitala sa nakalipas na linggo.
Naobserbahan ng OCTA ang patuloy na pagsirit ng positivity rate sa rehiyon lalo’t kaliwa’t kanan ang mga pagtitipon ngayong holiday season.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri.